Kasama ng mahigit 30 bansa, ipinanawagan ng Tsina sa Ika-51 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC), na gawing sentro ng pag-unlad ng iba’t ibang bansa ang mga mamamayan, at pag-ibayuhin ang laang-gugulin sa mga aspektong gaya ng pagpapasulong at pangangalaga sa mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan at pangkultura, at pagpawi sa di-pagkakapantay-pantay.
Sa kanyang talumpati sa ngalan ng mahigit 30 bansa, ipinahayag ni Chen Xu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva ang pagtutol sa unilateral na sangsyong hindi nababatay sa pandaigdigang batas.
Aniya, dapat ipagtanggol ng UNHRC at UN Human Rights Office ang karapatan ng iba’t ibang bansa sa sarilinang pagpili ng landas na pangkaunlaran.
Samantala, dapat din aniyang tutulan ang pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa, at pagsasapulitika at pagmamardyinalisa sa mga isyung pangkaunlaran.
Salin: Vera
Pulido: Rhio
Tsina tutol sa paggamit ng mga kanluraning bansa ng ilegal at unilateral na sapilitang hakbangin
Ilegal na sangsyon, may malubhang epekto sa pandaigdigang sistema ng kaayusan
Tsina, nanawagang tuluyang alisin ang unilateral na sangsyon sa Syria
Iran: Sangsyon ng Amerika, hindi nakakatulong sa pagkakaroon ng komong palagay