Xi Jinping, isinulat ang paunang salita para sa koleksyon ng literatura hinggil sa pag-ahon ng bansa

2022-09-27 15:41:24  CMG
Share with:

Isinulat kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng paunang salita na pinamagatang “Pag-usad ng Paglalakbay ng Pambansang Pag-ahon” para sa ilalathalang koleksyon ng literatura hinggil sa pag-ahon ng bansa.

 

Tinukoy ni Xi na napakahalaga ng katuturan ng paglalathala ng ganitong koleksyon para sa pagpapatibay ng kompiyansa sa kasaysayan, pagsunod sa agos ng panahon, at pagpapasulong sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, sa pamamagitan ng modernisasyong may istilong Tsino.

 

Diin niya, layon ng pagtatala at paglalathala ng naturang koleksyon ay pagrerekord ng sigasig ng mga ninuno at pagbibigay-sigla sa mga susunod na henerasyon, sa pamamagitan ng koleksyon ng mga importanteng akdang ideolohikal.

 

Ginawang tema ng naturang koleksyon ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino, at magtatampok ito sa mahahalagang akdang may kinalaman sa pag-ahon ng nasyon sapul nang nagsimula ang Opium War noong 1840.

 

May limang volumes ang koleksyong ito, at ilalathala sa malapit na hinaharap ang unang tatlong volumes.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac