Tsina sa mga tagapagpasiya ng Amerika: pakinggan ang makatarungan at obdyektibong pananaw

2022-10-09 15:52:27  CMG
Share with:

Inihayag Sabado, Oktubre 8, 2022 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat pakinggan ng mga tagapagpasiya ng Amerika ang mas nakararaming makatarungan at obdyektibong pananaw mula sa sirkulong komersyal at akademiko; totohanang ipatupad ang simulain ng paggagalangan, mapayapang pakikipamuhayan, kooperasyon at win-win na situwasyon; at pasulungin ang pagbalik ng relasyong Sino-Amerikano sa landas ng malusog at matatag na pag-unlad.

 

Kaugnay nito, inilabas kamakailan ng US Foreign Policy Association ang ulat na pinamagatang “The Business of America and China Is Business.”

 

Nanawagan ang ulat sa mga tagapagtakda ng patakaran ng Amerika na baguhin ang maling pagkaunawa at patakaran sa Tsina, tumpak na pakitunguhan ang Tsina, at palakasin ang kooperasyong pangkabuhaya’t pangkalakalan ng dalawang bansa.

 

Hinggil dito, sinabi ni Mao na ayon sa datos, umabot sa 14.7% ang karaniwang kita ng direktang pamumuhunan ng Amerika sa Tsina mula noong 2000 hanggang 2020, at ito ay mas mataas kaysa 9.7% karaniwang kita ng direktang pamumuhunan ng Amerika sa ibayong dagat.

 

Noong unang hati ng taong ito, lumago ng 12.7% ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at lumaki rin ng 26.1% ang aktuwal na pamumuhunan ng Amerika sa Tsina, dagdag niya.

 

Saad ni Mao, ipinakikita ng nasabing mga datos na ang kooperasyon ay mithiin ng mga mamamayang Tsino’t Amerikano, at may mutuwal na kapakinabangan ang kooperasyong Sino-Amerikano.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio