Pagbuwag ng parliamento, inaprobahan ng pinakamataas na lider ng Malaysia—Malaysian PM

2022-10-11 11:04:39  CMG
Share with:


Sa kanyang TV speech nitong Lunes, Oktubre 10, 2022, sinabi ni Punong Ministro Ismail Sabri Yaakob ng Malaysia na sinang-ayunan ni King Sultan Abdullah Sultan Ahmad Shah ang kahilingan niyang buwagin ang parliamento, at bigyang daan ang bagong pambansang halalan.

 

Saad ni Ismail, sapul nang idaos ang nagdaang pambansang halalan, ilang beses na nagbago ang mga punong ministro dahil sa kawalang katatagan ng pulitika sa loob ng bansa. Samantala, ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay nagbunga ng malubhang epekto sa kabuhayan, lipunan at pulitika ng bansa.

 

Aniya, magpapasya ang lupong elektoral kung kailan idaraos ang araw ng nominasyon at pagboto, at kaukulang usapin ng bagong pambansang halalan.

 

Ang huling pambansang halalan ng Malaysia ay ginanap noong 2018. Ang termino sa ika-14 na parliament ng mga nahalal sa naturang halalan ay tatagal sana hanggang 2023.

 

May karapatan ang punong ministro na hilingin ang pagbuwag ng parliamento sa anumang sandali bago matapos ang termino.

 

Ayon sa batas ng Malaysia, kailangang idaos ang botohan sa pambansang halalan sa loob ng 60 araw makaraang buwagin ang parliamento.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac