Panibagong antas na pagbubukas ng Tsina sa labas, ipinagdiinan ni Pangulong Xi

2022-10-16 11:44:25  CMG
Share with:

“Buong-tatag na palalawakin ng Tsina ang institusyonal na pagbubukas sa labas kaugnay ng mga alituntunin, regulasyon, pangangasiwa at pamantayan.”

 

Ito ang ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng bansa sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Oktubre 16, 2022.

 

Aniya pa, magsisikap ang Tsina para mapabilis ang transpormasyon ng nito tungo sa isang bansang mangangalakal ng kalidad.

 

Pasusulungin din Tsina ang pagtatayo ng Belt and Road Initiative (BRI), at pangangalagaan ang dibersidad at katatagan ng pandaigdig na kabuhayan at ugnayang pangkabuhaya’t pangkalakalan ng mundo, dagdag pa ni Xi.

 

Salin: Jade

Pulido: Rhio