Idinaraos sa Haikou, punong lunsod ng probinsyang Hainan ng Tsina, ang Ikalawang China International Consumer Products Expo (CICPE) na may temang “Magkakasamang Pagtatamasa ng Pagkakataon ng Pagbubukas, at Magkakasamang Paglikha ng Magandang Pamumuhay.”
Binuksan ito Hulyo 25 at tatagal hanggang Hulyo 30, 2022.
Kung ihahambing sa unang CICPE noong isang taon, may malaking pagbabago sa saklaw, kalahok na tauhan at bahay-kalakal ang kasalukuyang ekspo.
Umabot sa 100 libong metro kuwadrado ang saklaw ng ekspong ito mula 80 libong metro kuwadrado noong isang taon; lumampas sa 40 libo ang bilang ng mga mamimili at propesyonal na bisita na mas marami ng 10 libo kumpara sa nagdaang taon; samantala, mahigit 700 bahay-kalakal na Tsino at dayuhan ang kalahok sa ekspong ito, at umabot sa mahigit 2,800 ang bilang ng mga kalahok na tatak mula 1,000 noong isang taon.
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na ang matagumpay na pagdaraos ng CICPE ay magkakaloob ng mahalagang plataporma para sa mga bahay-kalakal ng iba’t-ibang bansa sa kanilang paggagalugad ng merkadong Tsino, at patuloy na makakapagpasigla sa konsumo.
Sa katotohanan, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling aktibo ang Tsina sa pagpapasulong ng pagbubukas sa labas sa mataas na lebel. Buong tatag na isinusulong ng Tsina ang pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan tungo sa pagbubukas, inklusibidad, unibersal na benepisyo, pagkabalanse, at win-win result, at isinusulong ang pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Mas mahalaga ang kilos kaysa pananalita. Matagumpay na idinaos ang 131 China Import and Export Fair na nagsisilbing pinto at sagisag ng pagbubukas ng Tsina sa labas at mahalagang plataporma ng pandaigdigang kooperasyong pangkalakalan; matagumpay na idinaos ang 8 China International Fair for Trade in Services (CIFTIS) ay nagsisilbing pinakamalaki at pinakamalawak na komprehensibong baratilyo sa larangan ng kalakalang pangserbisyo sa buong mundo. Ito rin ay mahalagang plataporma ng pagbubukas ng Tsina sa labas; hanggang sa ngayon, matagumpay na idinaos ang 18 China-ASEAN Expo (CAExpo) na pinasusulong at sinasaksihan ang walang patid na pagyaman ng nilalaman ng estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN at napapatingkad ang mahalagang papel sa konstruksyon ng “Belt and Road” Initiative; bilang unang import-themed expo sa antas ng estado, matagumpay na idinaos ang 4 na China International Import Expo (CIIE). Ito ang isa pang nagawang mahalagang desisyon ng Tsina sa pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas.
Ang mga ito ay pawang mahalagang pagpakita ng buong tatag na pagpapasulong ng Tsina sa de-kalidad na pagbubukas sa labas para maisakatuparan ang win-win result sa buong mundo.
Sa kasalukuyang epekto ng napakalalim na pagbabago ng kayariang pandaigdig at pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), lumalago ang unilateralismo at proteksyonismo na naka-apekto ng malaki sa globalisasyong pangkabuhayan.
Ngunit, hindi nagbabago ang determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, sa pagbabahagi ng pagkakataon ng pag-unlad sa daigdig, at sa pagpapasulong ng pag-unlad ng globalisasyong pangkabuhayan tungo sa pagbubukas, inklusibidad, unibersal na benepisyo, pagkabalanse, at win-win result.
Sa mga okasyon sa loob at labas ng Tsina, maraming beses na ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na magiging mas malawak ang pinto ng pagbubukas ng Tsina sa labas sa halip ng pagsara nito.
Ito ang solemnang pangako ng Tsina sa daigdig na nagpapahiwatig ng imahe at responsibilidad nito bilang isang malaking bansa.
Nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng mga katuwang sa buong mundo para magkakasamang maitatag ang malikhain, inklusibo at bukas na kabuhayang pandaigdig at makalikha ng mas magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Premyer Tsino sa tagapangulo ng WEF: Tsina, igigiit ang pagbubukas sa labas
Pangulong Tsino, bumigkas ng talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng BRICS Business Forum
CMG Komentaryo: Hainan Free Trade Port, saksi sa patuloy na lumalawak na pagbubukas ng Tsina
Tsina lalo pang palalawakin ang pagbubukas sa labas sa mataas na antas