CMG Komentaryo: Insider trading ng mga pulitikong Amerikano, sistematikong korupsyon

2022-10-28 16:22:05  CMG
Share with:

Kung babanggitin ang mga bihasa sa stock market sa Capitol Hill, ang pamilya ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang unang sasagi sa isip ng mga tao. Pero sa katunayan, hindi lang sa Capitol Hill, maging sa Washington may mga magagaling humawak ng stocks.

 

Ayon sa financial disclosure ng halos 12,000 opisyal ng pamahalaang Amerikano mula noong 2016 hanggang 2021, tumataas o bumababa ang ganansya ng aring shares ng lampas sa 1/5 opisyal, batay sa mga desisyon ng kani-kanilang departamento.

 

Sa maraming okasyon, ang krisis ng bansa at mga mamamayang Amerikano ay nagsilbing pagkakataong kapakipakinabang sa iilang tao.

 

Bakit nga ba intensyonal na nakikinabang ang mga pulitikong Amerikano sa habang nasa pwesto?

 

Ito ay dahil sa di-sapat na nagbabawal na batas. Ang maluwag na batas ay nagbibigay-kondisyon para sa pakikinabang ng mga pulitiko sa stock market, sa pamamagitan ng inside information.

 

Samantala, buong lakas na nakikipagsabwatan sa ganitong aksyon ang pamahalaan ng Amerika.

 

Ang esensya ng insider trading ng mga pulitikong Amerikano ay sistematikong korupsyon. Ang hayagang korupsyon nila at kawalan ng kaparusahan dahil dito ay nagpapakitang hindi gumagana ang sistema ng katarungan sa Amerika.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac