Pagbati sa Ika-31 Arab League Summit, ipinadala ng pangulong Tsino

2022-11-02 15:40:37  CMG
Share with:


Isang liham ang ipinadala Martes, Nobyembre 1, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Abdelmadjid Tebboune, kasalukuyang Tagapangulo ng Konseho ng Arab League (AL) at Pangulo ng Algeria, bilang pagbati sa pagdaraos ng Ika-31 AL Summit sa Algeria.

 

Diin ni Xi, pangmalayuan at matibay ang pagkakaibigan sa pagitan ng Tsina at mga bansang Arabe na kinabibilangan ng Algeria.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, unti-unting tumitibay ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig, nagiging malalim at pragmatiko ang kooperasyon sa ilalim ng “Belt and Road” Initiative, at mabungang mabunga ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangan, dagdag niya.

 

Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng mga bansang Arabe, na patuloy na patibayin ang pagkakatigan, palawakin ang kooperasyon, at magkakapit-bisig na buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at mga bansang Arabe tungo sa makabagong panahon, at magkasamang paglikha ng magandang kinabukasan ng relasyong Sino-Arabe, na magbubunsod ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio