Ministrong Panlabas ng Tsina, nakipag-usap sa telepono sa Coordinating Minister ng Indonesia

2022-11-04 16:21:11  CMG
Share with:

Nag-usap nitong Huwebes, Nobyembre 3, 2022 sa telepono sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Luhut Binsar Pandjaitan, Koordinator ng Kooperasyon sa Tsina at Coordinating Minister ng Indonesia.

 

Ipinaabot ni Luhut ang taos-pusong pangungumusta ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia sa kanyang Chinese counterpart na si Xi Jinping, at muling bumati sa kasiya-siyang pagpipinid ng Ika-20 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).

 

Inihayag niya ang pananabik na pahihigpitin ang koordinasyon sa panig Tsino, para matagumpay na itaguyod ang Bali Summit ng Group of 20 (G20).

 

Isinalaysay naman ni Wang ang natamong bunga at malalimang katuturan ng kapipinid na pambansang kongreso ng CPC.

 

Diin niya, sa ilalim ng pamumuno at patnubay ni Pangulong Xi, buong tatag na tatahak ang Tsina sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino, at magkakaloob ng katatagan at positibong puwersa para sa maligalig na daigdig.

 

Buong tatag na kakatigan ng Tsina ang pagsasabalikat ng Indonesia ng tungkuling bilang tagapangulong bansa ng G20, palalakasin ang koordinasyon sa patakaran sa makro-ekonomiya, at magkasamang haharapin ang mga hamon, dagdag ni Wang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac