Bumisita, Nobyembre 22, 2022 sa Palawan, na kalapit ng South China Sea si Kamala Harris, Pangalawang Pangulo ng Amerika, upang ipakita ang suporta sa Pilipinas.
Kaugnay nito, tinukoy nang araw ring iyon ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi tutol ang panig Tsino sa pagsasagawa ng normal na ugnayan ng Pilipinas at Amerika, pero idinagdag niyang hindi dapat ito makapinsala sa kapakanan ng ibang bansa.
Ang pagpapalitan at pagtutulungan ani Zhao sa pagitan ng mga bansa ay dapat makatulong sa pagpapabuti ng pag-uunawaan at pagtitiwalaan at magpalakas sa pagtatanggol sa kapayapaan at katatagan ng mga bansa sa rehiyon, sa halip na makapinsala sa kapakanan ng ibang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio