Panukalang batas sa pagsapi ng Iran sa SCO, pinagtibay ng parliamento ng bansa

2022-11-28 14:56:07  CMG
Share with:

Pinagtibay, Nobyembre 27, 2022 ng parliamento ng Iran ang panukalang batas sa pagsapi ng bansa sa Shanghai Cooperation Organization (SCO).

 

Matapos ang pagboto, inihayag ni Abolfazl Amouei, Tagapagsalita ng National Security and Foreign Policy Commission ng parliamento, na ang susunod na hakbang ay pag-aproba ng pamahalaan sa kaukulang dokumento, para bigyang-daan ang pagsapi ng Iran sa nasabing organisasyon.

 

Matatandaang sa Ika-22 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng SCO sa Samarkand, Uzbekistan noong nagdaang Setyembre, nilagdaan ang memorandum of understanding hinggil sa mga obligasyon ng Iran sa pagsapi sa SCO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio