Magkasamang pangangalaga sa kadena ng industriya at suplay, ipinanawagan ni Li Keqiang sa Tsina’t Timog Korea

2022-12-13 16:34:34  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati sa Ika-3 Entrepreneurs and Former High-level Officials Dialogue ng Tsina at Timog Korea, Lunes, Disyembre 12, 2022, nanawagan si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga pamahalaan ng dalawang bansa tungo sa magkasamang pagpapanatili ng katatagan at kaayusan ng kadena ng industriya at suplay sa rehiyon at buong daigdig.

 

Sa tulong ng Timog Korea, nakahandang palalimin ng Tsina ang kooperasyon sa haytek na manupaktura, berdeng ekonomiya at big data, at pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, ani Li.

 

Saad pa niya, ang pagbubukas ay nagdadala ng progreso, nagsusulong ng pag-unlad, at nagpapasigla ng inobasyon.

 

Kaya naman, ibayo pa aniyang bubuksan ng Tsina ang domestikong pamilihan, pangangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga mamumuhunang banyaga, lilikhain ang pandaigdigang kapaligiran ng negosyo sa pundasyon ng pamilihan at batas, at pasisiglahin ang patas na kompetisyon sa pagitan ng iba’t-ibang bahay-kalakal.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio