MOFA: Framework na narating sa COP15, isusulong ng Tsina

2022-12-21 16:09:31  CMG
Share with:

Kaugnay ng natamong bunga ng Ikalawang Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) ng United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD), ipinahayag Martes, Disyembre 20, 2022 ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na aktibong pasusulungin ng kanyang bansa ang pagsasakatuparan ng Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework na pinagtibay sa naturang pulong.

 

Ito aniya ay upang magkakasamang itatag, kasama ng iba’t-ibang panig, ang “community of all life on Earth.”

 


Sinabi ni Mao na ang nasabing framework ay may wastong hangarin, praktikal, at balanse, at ito ay bagong blueprint sa pangangasiwa sa biolohikal na dibersidad sa daigdig.

 

Ang talumpati ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa nasabing pulong ay malaking nagpasulong sa pagkakamit ng positibong bunga, dagdag niya.

 

Bilang tagapangulong bansa ng COP15, ang Tsina aniya ay gumanap ng malaking papel sa pagpapaliit ng agwat sa pagitan ng iba’t-ibang panig at paggarantiya ng positibong bunga sa talastasan ng nasabing framework.