Sa pahayag na ipinalabas Disyembre 19, 2022 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika tungkol sa South China Sea, walang batayan nitong binatikos ang Tsina upang sirain ang relasyong Sino-Pilipino.
Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Embahadang Tsino sa Pilipinas ang matinding pagsalungat at pagtutol.
Anang tagapagsalita, nitong ilang taong nakalipas, sa ilalim ng magkakasamang pagsisikap ng iba’t-ibang kaukulang panig ng South China Sea, nananatiling matatag sa kabuuan ang situwasyon sa karagatang ito.
Aniya, di-maiiwasang lumitaw ang alitan at pagkakaiba sa pagitan ng mga miyembro ng malaking pamilyang Asyano, ngunit malulutas ng katalinuhang Asyano ang mga ito, sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Sinabi niya na ang walang-patid na panghihimasok ng panig Amerikano sa hidwaan sa South China Sea, at pagsira sa relasyon ng mga bansa sa rehiyon ay nakakapinsala sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Aniya, palagian at malinaw ang posisyon ng panig Tsino sa isyu ng South China Sea.
May mithiin at kakayahan ang mga mamamayang Tsino at Pilipino na lutasin ang isyung ito sa pamamagitan ng mapagkaibigang pagsasanggunian upang magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan, dagdag niya.
Hinihimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na itigil ang panunulsol sa nasabing isyu.
Tsina sa Amerika: bumalik sa landas ng multilateralismo sa lalong madaling panahon
USD$25.9 bilyong direktang kapinsalaan, dinulot ng Amerika at suportadong armadong puwersa sa Syria
Tsina sa Amerika: isyung may kinalaman sa Tibet, suliraning panloob ng bansa
MOFA: Kooperasyon ng Amerika at EU, hindi dapat nakatuon sa ikatlong panig