Pangangalaga ng Tsina sa biolohikal na dibersidad, hinahangaan ng komunidad ng daigdig

2022-12-22 14:46:10  CMG
Share with:

Kaugnay ng Kunming-Montreal Global Biodiversity Framework na pinagtibay ng Ikalawang Yugto ng Ika-15 Conference of the Parties (COP15) ng United Nations Convention on Biological Diversity (UNCBD), naniniwala ang mga kalahok, na ito’y mahalaga at representanteng bunga ng nasabing pulong, at ginanap ng Tsina ang namumunong papel upang mapagtibay ang framework na ito.

 

Anila pa, mahalagang ambag ang ipinagkaloob ng Tsina para sa konstruksyon ng pandaigdigang sibilisasyong biolohikal.

 


Ayon kay Elizabeth Mrema, Executive Secretary ng Sekretaryat ng UNCBD, na bilang tagapangulong bansa ng COP15, gumanap ang Tsina ng mahalaga’t konstruktibong papel sa pulong.

 

Ipinahayag naman ni Steven Guilbeault, Ministro ng Kapaligiran at Pagbabago ng Klima ng Kanada, na sa pagsisikap ng Tsina, buong sikap na nagtulungan ang iba’t-ibang panig para marating ang naturang historikal na framework.

 

Saad ni Inger Andersen, Executive Director ng UN Environment Programme, na matatag ang paninindigang Tsino sa pagsusulong ng komong palagay hinggil sa pangangalaga sa pandaigdigang biolohikal na dibersidad, at namumukod ang mga kontribusyon ng bansa sa naturang usapin.