Wang Yi, nakipagtagpo sa co-chair ng Board of Trustees ng Asia Society

2022-12-23 14:28:58  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Huwebes, Disyembre 22, 2022 sa Beijing nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at John L. Thornton, co-chair ng Board of Trustees ng Asia Society ng Amerika, ipinahayag ni Wang na mas makakabuti kung magkakaroon ng tamang ideya at kaalaman ang Amerika tungkol sa Tsina.

 

Ito aniya ay paunang kondisyon ng pagsasakatuparan ng matatag at sustenableng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano.

 


Sinabi pa ni Wang, na kailangan ding maayos na isakatuparan ng dalawang panig ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga pangulo ng dalawang bansa sa Group of 20 Summit sa Bali, Indonesia hinggil sa pagtalakay at pagtatayo ng guiding principles ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Saad pa niya, dapat itakwil ng Amerika ang di-makatuwirang pagpigil sa Tsina, ipatupad ang mga positibong pahayag ni Pangulong Joseph Biden at balikan ang positibo at pragmatikong patakaran sa Tsina.

 

Ipinahayag naman ni Thornton na nakahanda siyang patuloy na gumanap ng papel tungo sa pagpapasulong ng pagpapalitang pangkabuhayan’t kalakalan, pagpapalalim ng pagkaunawa ng mga mamamayang Amerikano sa Tsina, at pagpapasulong ng matatag na pag-unlad ng relasyong Amerikano-Sino.