Gawaing pandiplomasya ng Tsina sa 2022, pinuri ni Wang Yi: bagong kabanata, kanyang ipinangako

2022-12-26 15:43:06  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-videolink na talumpati sa Simposyum sa Internasyonal na Situwasyon at Ugnayang Panlabas ng Tsina, Linggo, Disyembre 25, 2022, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansa, na noong nakaraang taon, kinaharap ng Tsina ang mga hamong pandiplomatiko at mas malakas na isinulong ang diplomatikong adiyenda.

 

Hinggil dito, sinabi niyang, pananatilihin ng Tsina ang pandaigdigang pananaw, at determinadong aabante, lilikhain ang bagong kabanata at aabutin ang mga bagong tagumpay sa major-country diplomacy na may katangiang Tsino, batay sa mas malawak na perspektibo at mas malakas na aksyon.

 


Ayon kay Wang, kabilang sa 6 na pangunahing tungkuling pandiplomasya diplomasya ng bansa sa 2023 ay: mas mainam na paglilingkod sa head-of-state diplomacy at mga sentral na tungkulin; pagpapalawak ng all-round diplomacy sa koordinadong paraan; patuloy na paghahangad ng pinakamalawak na pagtitipun-tipon ng kapakanan sa pandaigdigang pamamahala; aktibong paglilingkod sa de-kalidad na pag-unlad at pagbubukas ng bansa; pagtatayo ng mas malakas na linyang pandepensa para ipagtanggol ang mga pambansang kapakanan; at pagpopokus sa pagpapalakas ng sariling kakayahan sa pandaigdigang komunikasyon at pagpapadala ng malakas at malinaw na boses sa arenang pandaigdig.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio