Pagpapabuti ng gawain sa kalusugang pampubliko, hiniling ni Xi Jinping

2022-12-27 14:28:56  CMG
Share with:

Hiniling, Lunes, Disyembre 26, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga may-kinalamang sangay ng pamahalaang Tsino na pahigpitin ang mga gawain sa kalusugang pampubliko para mas maayos na matugunan ang bagong kalagayan at target sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Ang taong 2022 ay ika-70 anibersaryo ng pagsasagawa ng Patriotic Health Campaign ng Tsina, at tinukoy ni Xi na noong nakaraang 70 taon, ginanap ng nasabing kampanya ang mahalagang papel sa pagpapabuti ng kalagayang pangkalusugan sa mga lunsod at nayon, mabisang pagharap sa mga malubhang epidemiya at pangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayang Tsino.

 

Sa kasalukuyan, kailangan aniyang isagawa ang mga katugong hakbang para itatag ang matibay na kapaligirang panlipunang akma sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19 at aktuwal na mangangalaga sa kaligtasan at kalusugan ng mga Tsino.