Kuwarentenas para sa mga papasok sa Tsina, kakanselahin sa 2023

2022-12-27 14:26:57  CMG
Share with:

Inihayag, Lunes, Disyembre 26, 2022 ng Pambansang Komisyon sa Kalusugan ng Tsina (NHC), na kakanselahin mula Enero 8, 2023 ang polisiya sa kuwarentenas para sa mga nagnanais pumasok sa bansa.

 

Pero nilinaw ng komisyon, na kailangan pa ring isagawa ng mga manlalakbay ang nucleic acid test sa loob ng 48 oras bago sumakay ng eroplano papuntang Tsina.

 


Hindi na rin kailangan ang nucleic acid screening at sentralisadong kuwarentenas makaraang makarating ang mga manlalakbay sa Tsina, paliwanag pa ng komisyon.

 

Samantala, binago ng Tsina ang tawag sa novel coronavirus pneumonia, bilang novel coronavirus infection.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio