Ayon sa isang pandaigdigang sarbey na magkasamang inilunsad ng Think Tank ng China Global Television Network (CGTN) at Chinese Institute of Public Opinion ng Renmin University ng Tsina, lubos na kinikilala ng daigdig ang ambag ng Tsina sa pandaigdigang siyensiya’t teknolohiya.
Kasali sa naturang sarbey ang 3,500 mamamayan mula sa 22 bansa.
Ayon dito, sang-ayon ang 92.5% ng mga respondiyente na ang siyensiya’t teknolohiya ng Tsina ay nakapagbigay ng ambag sa kaunlarang pandaigdig.
Samantala, tutol naman sa teknolohikal na pambubuska o technological bullying at blokeyong panteknolohiya ng Amerika ang 82.1% ng respondiyente.
Anila, makakatulong sa sustenableng pag-unlad ng mundo ang pagkadalubhasa ng mas maraming bansa sa modernong teknolohiya.
Ginawa ang nasabing sarbey, kasabay ng paglulunsad ng serye ng mga blokeyong panteknolohiya ng Amerika laban sa Tsina sa 2022.
Salin: Vera
Pulido: Rhio