Siyentipikong pagharap sa COVID-19 at paggarantiya sa ligtas na paggalaw ng mga tao, ipinanawagan ng Tsina

2022-12-28 14:01:51  CMG
Share with:

Kaugnay ng patalastas ng Hapon at Indiya na kailangang sumailalim sa pagsusuri ang mga turistang Tsino matapos silang dumating sa nasabing mga bansa, ipinahayag Martes, Disyembre 27, 2022 ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kailangang harapin ng iba’t-ibang bansa ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa siyentipikong paraan, at magkakasamang igarantiya ang ligtas at malayang paggalaw ng mga tao.

 


Diin ni Wang, ang mga hakbangin ng iba’t-ibang bansa sa paglaban sa pandemiya ay hindi dapat maka-apekto sa normal na pagpapalitang tao-sa-tao.

 

Saad pa niya, sapul nang sumiklab ang COVID-19, palagiang iginigiit ng pamahalaang Tsino ang siyentipikong prinsipyo para pabutihin ang iba’t-ibang hakbangin batay sa aktuwal na kalagayan at pagbabago ng pandemiya.

 

Ito aniya ay nagbigay ng malahagang ambag sa paglaban ng daigdig sa pandemiya at muling pagbangon ng kabuhayan.