Sa kanyang paglahok sa "Russia Calling" invest forum na idinaos kahapon ng Vnesheconombank (Bank for Development and Foreign Economic Affairs), sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang kanyang palagay hinggil sa China Treat Theory.
Sinabi ni Putin na ang Tsina ay isang bansang may mahigit 1.4 na bilyong mamamayan, na may kapangyarihang pumili ng sariling landas na pangkaunlaran at pangalagaan ang sariling bansa. Aniya, kung mabilis na umuulad ang kabuhayan ng Tsina, natural lamang na uunlad din ang puwersang pandepensa ng bansa. Hindi ikinababahala ng Rusya ang kaunlarang pandepensa ng Tsina, umabot na sa napakataas na lebel ang relasyong Sino-Ruso at umaasa siyang magiging mas malalim at mas mayaman ang kooperasyon ng Rusya at Tsina sa hinaharap at makikinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Sissi
Pulido: Mac
Rusya at Biyetnam, ibayo pang pauunlarin ang komprehensibo’t estratehikong partnership
Regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya, ginanap
Mabungang progreso ng kooperasyon ng Tsina at Rusya sa enerhiya, pinuri nina Xi at Putin
Mga pangulong Tsino at Ruso, positibo sa mabungang taon ng inobasyon sa siyensiya at teknolohiya
Tsina, Rusya, at Indya, magkakasamang isusulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng daigdig