Regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya, ginanap

2021-12-01 15:12:32  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng video link, magkasamang nangulo nitong Martes, Nobyembre 30, 2021 sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Mikhail Mishustin ng Rusya sa ika-26 na regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng dalawang bansa.
 

Kapuwa binigyan ng mga punong minsitro ng lubos na pagpapahalaga ang mabisa’t pragmatikong gawain ng mga komisyon ng kooperasyon.

Regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya, ginanap_fororder_20211201TsinaRusya2

Saad ni Li, dapat gamitin ng magkabilang panig ang bentahe ng pagkukumplemento, at padaliin ang sirkulasyon ng industriya, teknolohiya, yaman at iba pa ng dalawang bansa. Dapat aniyang palakasin ang konektibidad at kooperasyon, pasulungin ang pasilitasyon ng kalakalan at pamumuhunan, ibayo pang palawakin ang market access ng isa’t isa, at buuin ang ligtas at matatag na sistema ng industry chain at supply chain.
 

Dagdag niya, dapat palalimin ang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng pundamental na pananaliksik, paglilipat ng mga natamong bunga ng siyentipikong pananaliksik, magkasanib na pagsasanay ng mga talento at iba pa, palakasin ang kooperasyon sa larangan ng mga modernong industriya na gaya ng big data at artificial intelligence, at pasulungin ang de-kalidad at sustenableng pag-unlad ng pragmatikong kooperasyon.

Regular na pagtatagpo ng mga punong ministro ng Tsina at Rusya, ginanap_fororder_20211201TsinaRusya1

Nananalig aniya siyang sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng kooperasyon, pananaig sa hamon, at pagpapanatili ng pag-uugnayan, tiyak na matatamo ng pragmatikong kooperasyong Sino-Ruso ang mas maraming bunga.
 

Diin naman ni Mishustin, batay sa paggagalangan, pagtitiwalaan, pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan, dapat magkasamang harapin ng magkabilang panig ang presyur na panlabas at hamon, at magkakapit-bisig na isakatuparan ang komong kaunlaran.
 

Inihayag din niya ang suporta ng panig Ruso sa pagtataguyod ng Tsina ng Beijing 2022 Olympic Winter Games.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method