Sinasamantala ng Amerika ang mga isyu ng Hong Kong para harangan ang pag-unlad ng Tsina: Ministring Panlabas ng Tsina

2022-01-01 11:16:04  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, nagpatalastas kamakailan ang Konseho ng Estado at Ministri ng Pananalapi ng Amerika na ipapataw ang sangsyon sa limang liaison officers ng pamahalaang Sentral ng Tsina sa Hong Kong. Kaugnay nito, tinukoy kahapon ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na buong tatag na tinututulan at mahigpit na kinokondena ng panig Tsino ang  pakikialam ng Amerika sa mga suliraning panloob at ipinasiya na ng Tsina na isasagawa ang parehong sangsyon sa panig Amerikano.
 

Sinabi ni Zhao na muling hinimok ng Tsina ang Amerika na alisin ang naturang sangsyon sa mga personaheng Tsino, itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at Tsina. Patuloy ani ni Zhao na gagamitin ng Tsina ang lahat ng hakbangin para mapangalagaan ang kapakanan at dignidad ng bansa.
 

Salin: Sissi
 

Pulido: Mac

Please select the login method