Sa kanyang artikulong inilabas kahapon, Enero 2, 2022, sa magasing "Relations Across Taiwan Strait," nanawagan si Liu Jieyi, puno ng Tanggapan sa mga Suliranin ng Taiwan ng Konseho ng Estado ng Tsina, sa kapwa panig ng Taiwan Straits, na magkasamang magsikap para sa mas malawak na pambansang kapakanan at pagbabahagi ng karangalang dulot ng pagbangon ng nasyong Tsino.
Sinabi rin ni Liu, na sa talumpating pambagong taon ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, binigyang-diin niyang ang ganap na reunipikasyon ng inangbayan ay komong hangarin ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, at ipinahayag din niya ang pag-asang magkakaisa ang lahat ng mga kababayan para magkakasamang lumikha ng mas magandang kinabukasan ng nasyong Tsino.
Itinuro nito ang direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng magkabilang pampang sa bagong taon, diin ni Liu.
Editor: Liu Kai