Tsina sa Lithuania: huwag maging pain ng mga puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan at puwersang kontra Tsina

2022-01-12 21:37:50  CMG
Share with:

Ayon sa ulat, isang pahayag ang inisyu kamakailan ng shadow cabinet ng Lithuania na nagpapahiwatig na gusto ng bansang bumalik sa normal ang relasyon sa Tsina.
 

Ayon pa rito, kinikilala ng Lithuania ang Taiwan bilang isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
 

Anito, agarang iwawasto ng pamahalaan ang kamalian, at babaguhin ang pangalan ng umano’y “Taiwanese Representative Office sa Lithuania” sa “Taipei Representative Office.”
 

Kaugnay nito, inihayag kahapon, Enero 11, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na hinihimok ng panig Tsino ang pamahalaan ng Lithuania na iwasto ang kamalian, at huwag maging pain ng mga puwersang naninindigan sa pagsasarili ng Taiwan at puwersang kontra Tsina.
 

Aniya, dapat gawin ng panig Lithuanian ang pagpiling angkop sa sariling kapakanan at norma ng relasyong pandaigdig, at bumalik sa tumpak na landas ng paggigiit sa simulaing Isang Tsina.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method