Damascus, kabisera ng Syria—Nilagdaan kahapon, Enero 12, 2022 ng Tsina at Syria ang Memorandum of Understanding (MoU) hinggil sa pagsapi ng bansa sa Belt and Road Initiative (BRI).
Sa seremonya ng paglagda, tinukoy ni Feng Biao, Embahador ng Tsina sa Syria na ang paglagda sa nasabing MoU ay nakapagbigay ng target at patnubay para sa pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon ng kapuwa panig sa ilalim ng bagong kondisyong historikal, pagsasakatuparan ng sinerhiya ng BRI at eastward strategy ng Syria, at pagsali ng panig Tsino sa rekonstruksyong ekonomiko ng Syria sa hinaharap.
Inihayag naman ni Fadi Khalil, Direktor ng Planning and International Cooperation Commission ng Syria na ang pagsapi ng kanyang bansa sa BRI ay makakapagpahigpit ng kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng imprastruktura, koryente at iba pa, at makakapagpasulong din ng kooperasyon sa mga kapitbansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio