Ibinigay kamakailan ng pamahalaan ng Lithuania ang mahigit 110 libong dolyares na kompensasyon kay Abu Zubaydah, tinatawag na "terorista" ng Amerika at ipiniit minsan ng Central Intelligence Agency sa isang sikretong bilangguan sa Lithuania, kung saan sumailalim siya sa iba't ibang porma ng torture.
Sa katotohanan, naantala nang mahigit 3 taon ang pagbabayad ng naturang kompensasyon. Noong 2018 pa hinatulan ng European Court of Human Rights ang pamahalaan ng Lithuania na magbayad ng kompensasyon kay Zubaydah, dahil anito, pinayagan ng pamahalaan ng Lithuania ang paggamit ng CIA ng isang lugar ng bansa bilang sikretong bilangguan, at nalaman nito ang tungkol sa pagsasagawa ng CIA ng torture sa mga preso. Ayon sa hukuman, lumabag ito sa mga batas ng Europa na nagbabawal sa torture at ilegal na detensyon.
Nahuli si Zubaydah sa Pakistan anim na buwan pagkaraan ng Insidente ng Setyembre 11. Sa kasalukuyan, nakakulong siya sa bilangguang militar ng Amerika sa Guantanamo, na wala kahit isang sakdal sa kanya nitong nakalipas na mahigit 20 taon.
Tinatangka ng CIA na bigyang-katwiran ang pagsasagawa ng torture kay Zubaydah, sa pamamagitan ng pagsasabi na siya ay isang mataas na pinuno ng Al-Qaeda. Pero ipinakikita ng kasalukuyang mga natatamong ebidensiya, na siya ay hindi miyembro ng naturang grupo.
Maaaring sabihin, si Zubaydah ay isa pang halimbawa ng paglapastangan ng Amerika sa karapatang pantao. At ang Lithuania naman ay kakontsaba ng kontrabida sa.paggawa ng kasamaan.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos