Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano

2022-01-15 13:32:40  CMG
Share with:

Patikim ng CMG sa gagawing coverage ng Beijing Winter Olympics, hinangaan ng mga Amerikano_fororder_微信图片_20220115113350

 

Sinabi kahapon, Enero 14, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kahanga-hanga ang aktibidad na idinaos kamakailan ng China Media Group sa Amerika bilang patikim sa malawakang coverage ng nalalapit na Beijing Winter Olympics, at nagustuhan ito ng mga karaniwang Amerikano.

 

Ang magandang reaction aniya ay nagpapakitang ang Beijing Winter Olympics ay maringal na pagtitipun-tipon ng mga atleta at tagahanga ng winter sports sa buong mundo, at lubos na nananabik ang mga Amerikano at komunidad ng daigdig sa palarong ito.

 

Dagdag ni Wang, handang-handa na ang Tsina na ihandog sa daigdig ang maayos, ligtas, at kagilas-gilas na Winter Olympics, at ibigay ang higit na pagkakaisa, kompiyansa, at lakas sa mundong apektado ng pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

 

Nitong Enero 10, local time, idinaos ng China Media Group (CMG) sa Capital One Arena, Washington, D.C., Amerika, ang aktibidad bilang patikim sa mga manonood kaugnay ng nalalapit na Beijing Winter Olympics at pagsalubong sa Chinese New Year.

 

Ipinadala nina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at Qin Gang, Embahador ng Tsina sa Amerika ang mga video message sa aktibidad.

 

Ipinahayag nila ang paanyaya sa mga Amerikano na panoorin ang Beijing Winter Olympics, at ang hangarin sa magandang bunga ng mga atletang Amerikano sa palaro. Binati rin nila ang lahat para sa nalalapit na Chinese New Year.

 

Sa pamamagitan ng video, ibinahagi naman ni Dick Pound, nakatataas na miyembro ng International Olympic Committee, at mga atletang Tsino at Amerikano, ang kani-kanilang pananabik sa Beijing Winter Olympics.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method