Beijing Winter Olympics and Paralympics, magdaragdag ng tulay ng pagkakaibigan at plataporma ng pagtutulungan

2022-01-15 16:10:00  CMG
Share with:

Nagbigay ng video speech kahapon, Enero 14, 2022, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng porum sa kooperasyon sa pagitan ng mga friendship cities para sa pagpapasulong ng Beijing 2022 Olympic and Paralympic Winter Games.

 

Pinasalamatan ni Wang ang komunidad ng daigdig, lalung-lalo na ang mga dayuhang friendship cities, sa pagsuporta at pagbibigay-tulong sa pag-oorganisa ng panig Tsino ng Beijing Winter Olympics and Paralympics, at pagbibigay ng mabuting hangarin sa tagumpay ng mga palarong ito.

 

Nananalig aniya siyang, ang Beijing Winter Olympics and Paralympics ay magdaragdag ng tulay ng pagkakaibigan at plataporma ng pagtutulungan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at iba't ibang bansa.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method