Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina

2022-01-21 15:46:54  CMG
Share with:

Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina_fororder_272114328_231540919170016_4096355381737358875_n

 

Nakatakdang magsimula ang konstruksyon ng proyektong Philippine National Railways (PNR) Bicol Package 1 sa unang kuwarter ng 2022, makaraang lagdaan ang kasunduan ng Kagawaran ng Transportasyon (DOTr) at China Railway Consortium, nitong Lunes, Enero 17, 2022.

 

Ito ang ipinatalastas ni PNR General Manager Junn Magno sa isang virtual press briefing nitong Huwebes, Enero 20, 2022.

 

Ang proyektong kilala rin bilang PNR South Long Haul ay mag-uugnay ng Calamba, Laguna, at Legazpi, Albay.

 

Ang proyekto ay daraan sa 39 na siyudad at munisipalidad sa apat na lalawigan at dalawang rehiyon. Salamat dito, ang biyahe sa pagitan ng Laguna at Albay ay mababawasan sa 4 na oras na lamang mula sa kasalukuyang 12 oras. Aabot sa 14.6 milyong pasahero bawat taon ang paglilingkuran makaraang isaoperasyon ang proyekto. Kasabay nito, inaasahan itong makakalikha ng mahigit 10,000 direktang trabaho ng konstruksyon bawat taon at libu-libong trabaho sa mga may kinalamang larangan. Magpapasigla ito ng kabuhayan sa kahabaan ng proyekto.

 

Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina_fororder_微信截图_20220124095531

 

Kasabay ng paglalatag ng 380 kilometrong riles, ang proyekto ay bubuuin ng 23 istasyon, 230 tulay, 10 passenger tunnels, at isang 70-hektaryang imbakan o depot sa San Pablo, Laguna.

 

Sa press briefing, sinabi ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, na hanggang sa kasalukuyan ang kontrata sa PNR Bicol Package 1 na nagkakahalaga ng P142 bilyon o US$2.8 bilyon ang pinakamalaking kasunduan sa ilalim ng kanyang kagawaran. Ibig sabihin, ito ang proyektong pampamahalaang Pilipino-Sino na may pinakamalaking pondo. Ito rin ang ikatlong pinakamalaking proyekto sa ilalim ng Build Build Build program kasunod ng North-South Commuter Railway (NSCR) System, at Metro Manila Subway Project (MMSP), dagdag pa niya.

 

Ang proyekto ay popondohan ng official development assistance (ODA) mula sa pamahalaang Tsino.

 

Umaasa ang DOTr at PNR na matatapos ang konstruksyon ng proyekto sa 2024, at magsisimula ng operasyon sa ikatlong kuwarter ng 2025. Samantala, ang natitirang PNR Bicol contract packages ay naka-iskedyul na makompleto sa pagitan ng 2024 at 2026. Ang buong linya ng PNR Bicol ay inaasahang isasaoperasyon sa 2027.

 

Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina_fororder_微信截图_20220124095406

 

Sa buong proyektong PNR Bicol, aabot sa 120 hanggang 160 kilometro kada oras ang takbo para sa treng pampasahero at 80 hanggang 100 kilometro kada oras naman para sa treng pangkarga. Bunga nito, mula sa kasalukuyang 14 hanggang 18 oras, magiging 6 na oras lamang ang biyahe sa pagitan ng Maynila at Lunsod Legazpi, Albay kung sasakyan ang regular na tren, at magiging 4 oras at 30 minuto lamang kung gagamitin ang express train.

 

Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina_fororder_微信截图_20220122153210

Konstruksyon ng PNR Bicol Package 1, magsisimula na; proyektong may pinakamalaking ODA mula sa Tsina_fororder_微信截图_20220124095445

 

Matatandaang ang kontrata ng PNR Bicol Package 1 ay pinirmahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade at ng mga kinatawan ng joint venture ng China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd., at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd. (CREC JV).

 

 

 

Patnugot/Salin: Jade

Pulido: Mac 

Web-edit: Jade 

Larawan/Video: Pasuguang Tsino sa Pilipinas 

Please select the login method