Edda May Sombiro: Simple at ligtas na Pasko sa Wuhan

2021-12-24 16:55:40  CMG
Share with:

Edda May Sombiro: Simple at ligtas na Pasko sa Wuhan_fororder_微信图片_202112241605023

Si Edda May Sombiro

 

Noong kasagsagan ng epidemya ng COVID-19 sa Wuhan, Tsina naging aktibo si Edda May Sombiro sa pagtulong sa mga kababayang Pilipino na nangailangan ng tulong. Pagkain, gamot, tubig pati repatriation ay tumulong siyang asikasuhin.

 

Si Edda at ang kanyang mga kaibigang Pinoy ang nasa likod din sa paglikha ng isang kanta para sa mga taga-Wuhan. Nag-viral ang video ng kanta, at binigyang pansin din ito ng Chinese media. Patunay ito sa labis na pagmamahal ng mga Pilipino sa Wuhan na kanilang itinuturing na ikalawang tahanan.

 

 

Kumusta ang Wuhan ngayon halos dalawang taon matapos itong tamaan ng pandemya?  

 

Ani Edda,“Wuhan came back stronger than ever. Super normal na lahat. Every place, every educational establishments are functional as what and how it used to be.”   

 

Hindi pa rin tapos ang laban sa COVID-19, sa iba’t ibang lalawigan ng Tsina, may sumusulpot na mga kaso at marami pa ring nahahawa at nagkakasakit. Pero ang Wuhan mas handa na ngayon.

 

Ayon kay Edda, maraming natutuhan ang lunsod mula sa nakaraang grabeng sitwasyon. Kwento niya,“Wuhan is now more anxious and more advanced when it comes to securing the safety of its residents. I can say Wuhan is always 3 steps ahead.”

 

Gaya ng maraming mga Pilipino na nananatili sa Tsina, ngayong taon ang ikalawang Pasko na malayo sila sa  pamilya. Sa kabila nito, salamat sa Diyos, ani Edda siya ay patuloy na ligtas at malusog.“Yes, almost 2 years na walang uwian dahil sa pandemic, but I hope and pray na soon it’ll be unhindered to go back home and be with my family,” buong pag-asahang inilahad niya.

 

Labing-tatlong taon na si Edda sa Tsina. Walong taon na siyang residente ng Wuhan at nagtatrabaho sa Puyuan Montessori International School bilang Academic Director. Lumilikha siya ng curriculum at nagbibigay siya ng training hinggil sa mga epektibong pamamaraan ng pagkatuto.

 

Dahil regular na araw ang Pasko sa Tsina kailangang magtrabaho ni Edda. Simple ang kanyang plano: magluluto ng konti at magvi-video call sa Tatay, Nanay at mga anak niya.

 

Marami sa mga kaibigan ang wala na sa Wuhan. Ang iba ay umuwi na o lumipat sa ibang lugar sa Tsina dahil sa trabaho. Balik-tanaw ni Edda, “Christmas celebrations namin dito sa Wuhan before pandemic is more of like traditional. Nagtitipun-tipon kami, may exchange gifts at salo-salo talaga. Ang saya. Nakakamiss.”

 

Edda May Sombiro: Simple at ligtas na Pasko sa Wuhan_fororder_微信图片_20211225210840

Bago ang pandemic, nag-pajama themed Christmas party sina Edda at mga kaibigan sa Wuhan

 

Ano ang Christmas at New Year message ni Edda para sa pamilyang nasa-Bacolod?

 

“To my family in the Philippines, kay Tatay Edgar Sombiro , Nanay Maty Matamoro Sombir, don’t worry about me here being in Wuhan kasi the safest place to be right now is in Wuhan. I hope to see them soon when everything is all good, travel restrictions lifted and everything.”  

 

Harinawa, sa susunod na taon ay magiging ligtas na ang lahat at tuluyang magagapi ang salot ng COVID-19. 

 

 

Ulat: Machelle Ramos

Patnugot sa nilalaman: Jade/Mac

Patnugot sa website: Jade

Larawan: Edda May Sombiro

Espesyal na pasasalamat kay Frank Liu Kai

Please select the login method