Ayon sa ulat, ipapadala ng Taiwan si Lai Ching-te, pangalawang lider ng Taiwan, sa Honduras para dumalo sa seremonya ng inagurasyon ng pangulong Honduran, bilang “espesyal na sugo ng pangulo.” Dadaan si Lai sa Amerika, at posibleng dumalo sa aktibidad, kasama ni Pangalawang Pangulong Kamala Harris ng Amerika.
Kaugnay nito, sinabi Huwebes, Enero 20, 2022 ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina na palagiang buong tatag na tinututulan ng panig Tsino ang pagpapahintulot ng Amerika o ibang bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina ng ganitong umano’y pagdaan, at ang anumang porma ng pag-uugnayang opisyal sa pagitan ng Amerika at Taiwan.
Saad ni Zhao, may iisang Tsina lamang sa daigdig, at ang Taiwan ay isang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
Hinimok aniya ng panig Tsino ang panig Amerikano na sundin ang simulaing Isang Tsina at mga alituntunin ng tatlong magkasanib na komunike ng dalawang bansa, seryosong pakitunguhan ang paninindigan at pagkabahala ng panig Tsino, huwag isagawa ang anumang porma ng pakikipag-ugnayang opisyal sa Taiwan, at huwag ipadala ang anumang maling signal sa puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan.”
Salin: Vera
Pulido: Mac