Nanawagan nitong Lunes, Enero 24, 2022 si Ramon M. Lopez, Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (DTI) ng Pilipinas, sa Senado na aprobahan ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) sa lalong madaling panahon upang masali ang bansa sa nasabing pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa buong mundo.
Ipinahayag niya na ang pagsapi ng Pilipinas sa RCEP ay makakatulong sa paglahok nito sa global supply chains, pagpapalawak ng market access, pagpapatatag ng kapaligirang komersyal, at pagpapataas ng episiyensiya ng kabuhayan.
Bukod pa riyan, makakatulong pa aniya ang RCEP sa pag-ahon ng kabuhayang Pilipino at magpapakita sa komunidad ng daigdig ng determinasyon nito sa pagbubukas ng kabuhayan.
Salin: Lito
Pulido: Mac