CMG Komentaryo: Umano’y decoupling, walang batayan

2022-01-28 15:39:48  CMG
Share with:

Sunud-sunod na inilabas kamakailan ang mga datos ng kabuhayang Tsino at isang serye ng natamong bunga ng bilateral at multilateral na kalakalan sa 2021, at muling nagpapatunay ang mga ito na walang batayan ang pananalita ng umano’y decoupling sa Tsina.
 

Ang mabungang resulta ng takbo ng komersyo ng Tsina noong 2021 ay lubos na nagpapakitang laging tinutupad ng Tsina ang pangako nitong pagpapalawak ng pagbubukas, at pagpapahigpit ng ugnayan sa daigdig.
 

Sa isang banda, may malakas na kakayahan sa produksyon at pagyari ang Tsina, at nagsilbi itong masusing puwersa para sa pagpapatatag ng global supply chain.
 

Ayon sa datos ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Disyembre ng nagdaang taon, lumaki ng 28.7% ang kabuuang halaga ng kalakalan ng Tsina at Amerika, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, at muling lumikha ito ng bagong rekord. Kaya walang batayan ang umano’y decoupling ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at Amerika.
 

Sa kabilang banda naman, ang malusog at matatag na pagbangon ng merkadong Tsino ay nagkakaloob ng malawak na pagkakataon sa pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng buong mundo.
 

Nitong nakalipas na ilang dekada, naging integral ang ugnayan sa pagitan ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino at sistema ng kabuhayang pandaigdig. Ang reporma at pagbubukas ay nakapagpasigla ng lakas-panulak para sa paglago ng Tsina, at nakapaghatid din ng mas maligayang pamumuhay sa mga mamamayang Tsino. Ito rin ang mahalagang kinalabasan ng palagiang paggigiit ng Tsina sa multilateralismo at globalisasyon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method