Liham na pambati ni Pangulong Xi Jinping para sa CMG Forum, nakatawag ng mainitang reaksyon

2022-01-30 12:24:02  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa pagbubukas ng kauna-unahang China Media Group (CMG) Forum.
 

Napasigla ng nasabing liham ang mga miyembro ng CMG at iba’t-ibang sirkulo ng lipunan.
 

Inihayag ng mga taga-CMG na ang naturang liham ay nagbibigay ng direksyon para sa pagpapasulong ng Beijing Winter Olympics at palakasan ng Olimpiyada, sa ilalim ng temang “Together for a High-tech Winter Olympics.”
 

Sa ilalim ng patnubay ng liham, lalo anila silang magpupunyagi para ipagmalas ang isang simple, ligtas at kamangha-manghang Olimpiyada sa buong mundo.

Liham na pambati ni Pangulong Xi Jinping para sa CMG Forum, nakatawag ng mainitang reaksyon_fororder_20220130CMGForum

Sa ilalim ng temang “Together for a High-tech Winter Olympics,” idinaos noong Enero 26, 2022, ang CMG Forum.
 

Bilang isang mahalagang bunga ng nito, ipinalabas ng CMG at mga pandaigdigang media ang magkakasanib na inisyatiba kung saan hinihikayat ang mga media ng iba’t-ibang bansa na samantalahin ang pagkakataon ng Beijing Winter Olympics para mapasigla ang diwa ng inobasyon, matupad ang tungkulin at misyon, malawakang pagtipun-tipunin ang pagkakasundo, at mapasulong ang komong pag-unlad ng sangkatauhan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method