Pagkakaisa at kooperasyon sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon, ipinagdiinan ni Xi sa pakikipagtagpo sa puno ng UN

2022-02-06 13:49:10  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Pebrero 5, 2022 sa Beijing kay Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations (UN), ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapalakas ng pagkakaisa at kooperasyon para harapin ang magkakaibang pandaigdigang hamon.
 

Saad ni Xi, patuloy at buong tatag na kakatigan ng Tsina ang mga gawain ng UN, para gawin ang bagong ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at pagbuo ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
 

Tinukoy niyang sa kasalukuyan at darating na panahon, tatlong pangyayari ang karapat-dapat na pag-ukulan ng pansin: magkakasamang paglaban sa pandemiya, pagpapasulong sa kaunlaran, at pagpapalaganap ng demokrasya.

Pagkakaisa at kooperasyon sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon, ipinagdiinan ni Xi sa pakikipagtagpo sa puno ng UN_fororder_20220206XiUN

Kaugnay ng paglaban sa pandemiya, patuloy na pag-iibayuhin aniya ng Tsina ang pagbibigay-saklolo sa mga umuunlad na bansa.
 

Sa aspekto ng pagpapasulong sa kaunlaran, nakahanda aniya ang panig Tsino na makipagkoordina sa UN, para magkasamang pasulungin ang mas malakas, berde, at malusog na kaunlarang pandaidig.
 

Tungkol naman sa demokrasya, binigyang-diin ni Xi, na may karapatan ang iba’t-ibang bansa na piliin ang landas na angkop sa sariling kalagayan at pangangailangan ng mga mamamayan.
 

Saad naman ni Guterres na kagila-gilalas ang matagumpay na pagtataguyod ng Tsina sa malawakan at ligtas na Winter Olympics.
 

Aniya, mahalagang mahalaga ang katuturan ng Global Development Initiative na iniharap ni Pangulong Xi para sa pagpapasulong sa pagsasakatuparan ng UN 2030 Agenda for Sustainable Development, at pagresolba sa di-patas at di-balanseng pag-unlad ng buong mundo.
 

Inaasahan aniya ng UN na lalakas pa ang kooperasyon sa Tsina, at mapapatingkad ng Tsina ang mas malaking papel sa mahahalagang isyung gaya ng reporma ng sistemang pandaigdig.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method