Isang mensahe ang ipinadala Sabado, Pebrero 5, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina bilang pagbati sa ika-35 Summit ng African Union (AU).
Tinukoy niyang ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakatatag ng AU, at sa loob ng panahong ito, aktibong hinanap ng unyong ang landas ng pag-unlad na angkop sa Aprika, pinasulong ang pagtatamo ng mahalagang bunga ng integrasyong panrehiyon, kinoordina ang magkakasamang paglaban ng mga bansang Aprikano sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), ipinagtanggol ang kapayapaan, katatagan at kaunlaran ng Aprika, at tuluy-tuloy na pinataas ang impluwensiya’t katayuang pandaigdig ng Aprika.
Diin niya, sa ilalim ng bagong kalagayan, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Aprikano, na aktibong ipatupad ang mga natamong bunga ng ika-8 komperensyang ministeriyal ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC); pasulungin ang sinerhiya ng Belt and Road Cooperation, Global Development Initiative, Agenda 2063 ng AU, at konstruksyon ng African Continental Free Trade Area; at patnubayan ang pag-unlad ng kooperasyong Sino-Aprikano tungo sa mas mataas na kalidad at mas malawak na larangan.
Salin: Vera
Pulido: Rhio