Sa isang panayam sa China Media Group (CMG), Enero 13, 2022 (local time), ipinahayag ni Pangulong Azali Assoumani ng Comoros, na sa kabila ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), nananalig siyang may kakayahan ang Tsina upang maalwang maidaos ang Winter Olympics at pangalagaan ang kalusugan ng mga atleta ng iba’t-ibang bansa at mga mamamayang Tsino.
Naniniwala aniya siyang tiyak na magtatagumpay ang nasabing Olimpiyada.
Sa kabilang dako, ipinahayag din Enero 14, 2022 (local time), ni Siteny Thierry Randrianasoloniaiko, Presidente ng Madagascar Olympic Committee, ang lubos na pananabik sa paglahok sa Beijing Winter Olympics.
Nananalig aniya siyang magiging pinakamagandang Olimpiyada ng Taglamig ang Beijing Winter Olympics.
Ipinahayag naman ni Habib Sissoko, Presidente ng Mali Olympic Committee, ang ganap na suporta ng kanyang bansa sa Beijing Winter Olympics.
Matatag aniya ang kanyang pagtutol sa pagsasapulitika ng Olimpiyadang ito.
Sa ilalim ng pandemiya ng COVID-19, ipinaabot niya ang paghanga sa pagtataguyod ng Tsina sa nasabing Olimpiyada.
Nananalig aniya siyang tiyak na magtatagumpay ang Beijing Winter Olympics.
Bukod pa riyan, sinabi kamakailan ni Abner Xoagub, Presidente ng Namibia Olympic Committee, na mariin niyang tinututulan ang pagsasapulitika ng palakasan.
Ipinahayag din niya ang suporta sa matagumpay na pagdaraos ng Beijing Winter Olympics.
Salin: Lito
Pulido: Rhio