Maingat at responsableng pakikitungo sa isyu ng mga sangsyon, ipinanawagan ng sugong Tsino sa UNSC

2022-02-08 15:13:46  CMG
Share with:

Maingat at responsableng pakikitungo sa isyu ng mga sangsyon, ipinanawagan ng sugong Tsino sa UNSC_fororder_20220208UN

Nanawagan sa United Nations Security Council (UNSC), Lunes, Pebrero 7, 2022 si Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN, na palagiang pakitunguhan ang isyu ng mga sangsyon, batay sa maingat at responsableng pananaw.
 

Aniya, dapat mataimtim na isaalang-alang ang hinggil sa maingat na pagsasagawa ng mga hakbangin, upang mapabuti ang disenyo at pagpapatupad ng mga sangsyon ng UNSC, at mabawasan ang mga negatibong epekto.
 

Hinimok din niyang pag-ukulan ng pansin ang malubhang makataong bunga na dulot ng pagpapataw ng sangsyon ng UNSC laban sa Hilagang Korea.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method