Beijing Winter Olympics, lumikha na ng record-high na bilang ng mga tagapanood

2022-02-12 17:49:37  CMG
Share with:

Ayon kay Yiannis Exarchos, CEO of Olympic Broadcasting Services (OBS), hanggang noong Huwebes, Pebrero 10, 2022, lumampas sa 45 milyon ang bilang ng mga tagapanood ng Beijing 2022 Winter Olympics sa pamamagitan ng official website na olympics.com.

 

Pinakamalaki ito sa kasaysayan ng Winter Olympics, ani Exarchos.

 

Ayon naman sa panig Tsino, ang kasalukuyang Winter Olympics ay pinanood ng pinakamaraming tao sa Tsina.

 

Samantala, sinabi ni Exarchos, na napakalaki rin ng bilang ng mga tagapanood ng Beijing Winter Olympics sa ibang mga bansang gaya ng Hapon, Amerika, Kanada at Timog Korea. Nagkaroon na ito ng mahigit 2 bilyong panonood sa mga social media platforms hanggang noong Huwebes, dagdag ni Exarchos.

 

Ipinahayag din niya ang kasiyahan sa ganoon kalaking bilang ng mga tagapanood ng Beijing Winter Olympics.

 

Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos

Please select the login method