Kaugnay ng bagong round ng mga sangsyong ipinataw ng mga bansa at organisasyon sa Rusya, ipinahayag Miyerkules, Pebrero 23, 2022 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang sangsyon ay walang-bisa at hindi pundamental na paaran sa paglutas ng mga isyu.
Ang anumang ilegal at unilateral na sangsyon ay palagiang tinututulan ng panig Tsino, diin niya.
Sinabi rin ni Hua, umaasa ang Tsina na mataimtim na isasaalang-alang ng mga may-kinalamang panig ang paglutas sa mga isyu sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Aniya pa, ang mga ilegal at unilateral na sangsyon ng mga bansang kinabibilangan ng Amerika ay nagdulot na ng malubhang kahirapan sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan ng ilang may kinalamang bansa.
Sinabi ni Hua, na ang paghawak ng Amerika sa isyu ng Ukraine at relasyon nito sa Rusya ay hindi dapat makapinsala sa mga lehitimong karapatan at kapakanan ng Tsina at ibang mga panig.