Ipinatalastas nitong Sabado, Pebrero 26, 2022 ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na magkakaloob ng tulong militar na may kabuuang halagang 350 milyong dolyares ang Amerika sa Ukraine upang madepensahan ang teritoryo ng bansa laban sa pananalakay ng Rusya.
Matatandaang sapul noong isang taon, lumampas na sa 1 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng ibinigay na tulong militar ng Amerika sa Ukraine.
Samantala, sa televised speech na binigkas nitong Huwebes ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, ipinasiya niyang ilunsad ang espesyal na aksyong militar sa rehiyong Donbas.
Ipinahayag din niya na walang plano ang Rusya na sakupin ang Ukraine.
Ngunit, pinasok na kamakailan ng mga tropang Ruso ang Kiev, kabisera ng Ukraine at maigting ngayon ang sagupaan doon.
Salin: Lito
Pulido: Rhio