Binondo-Intramuros Bridge, malapit nang magbubukas

2022-03-04 16:24:52  CMG
Share with:

 

Binondo-Intramuros Bridge, malapit nang magbubukas_fororder_W020220303735943916752

 

Malapit ng matapos ang kontruksyon ng Binondo-Intramuros Bridge at nakatakdang magbukas ito sa publiko sa nalalapit na Abril, 2022.

 

Ang naturang tulay, kasama ng natapos na Estrella-Pantaleon Bridge ay dalawang flagship infrastructure projects sa Pasig River sa ilalim ng Build, Build, Build program na pinopondohan ng pamahalaang Tsino sa pamamamagitan ng Official Development Assistance (ODA).

 

Sa okasyong ito, naglakbay-suri nitong Huwebes, Marso 3, 2022, sa lugar ng konstruksyon ng Tulay Binondo-Intramuros sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas at Usec. Robert Borje, Presidential Chief Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs.

 

Binondo-Intramuros Bridge, malapit nang magbubukas_fororder_53283

 Sina Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas (gitna) at Usec. Robert Borje, Presidential Chief Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs (ika-2 sa kaliwa) habang naglalakbay-suri sa Tulay Binondo-Intramuros

 

Ani Usec. Borje, ang matatapos na tulay ay magdudulot ng positibong epekto sa mga mamamayang Pilipino at partnership sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

 

Kapag natapos ang tulay na may habang 680 metro, hindi lamang mababawasan nito ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Intramuros at Binondo sa Manila, kundi makikinabang din dito ang humigit-kumulang sa 30,000 sasakyan kada araw.

 

Kahanga-hanga rin ang disenyo ng tulay na may basket-handle tied steel arch, na sumisimbolo sa paghahawak-kamay, pagkakapit-bisig, at pagiging magkaagapay ng Pilipinas at Tsina.

 

Sinabi naman ni Embahador Huang na sa proseso ng pagtatayo ng tulay, lubos na pinahahalagahan ng mga kompanyang Tsino ang pangangalaga sa kapaligiran at relikyang kultural ng lokalidad. Kasabay nito, inilipat din ng panig Tsino ang sulong na teknolohiya ng pagtatatag ng tulay sa panig Pilipino.

 

Dagdag pa ni Huang, ang Tulay Binondo-Intramuros at Tulay Estrella-Pantaleon ay mahalagang bunga ng kooperasyong pampamahalaan sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI) ng Tsina at Build, Build, Build program ng Pilipinas. Saad pa niya, hanggang sa kasalukuyan, 15 kooperatibong proyektong pampamahalaan sa pagitan ng Tsina’t Pilipinas ang natapos. Samantala, mahigit sampung proyekto ang ang ipinapatupad. Bukod dito, nananatili pa rin ang Tsina bilang pinakamalaking trade partner at ikalawang pinakamalaking pinanggagalingan ng puhunang dayuhan ng Pilipinas.

 

Diin ni Huang, nakahanda ang Tsina na patuloy na magsikap, kasama ng Pilipinas, para mapasulong ang pagpapatupad ng mga proyektong kooperatibo at makinabang dito ang mga mamamamayan ng dalawang bansa.

 

Matatandaang noong Hulyo 29, 2021, nagbukas ang Estrella-Pantaleon Bridge. Bunga nito, umikli sa 10 minuto ang biyahe sa pagitan ng Makati City at Mandaluyong City.  

 

Binondo-Intramuros Bridge, malapit nang magbubukas_fororder_Estrella-Pantaleon Bridge

Tulay Estrella-Pantaleon

 

Patnugot/Salin: Jade

Pulido: Mac

Photo courtesy: PNA/Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas/DWPH

Please select the login method