Binondo-Intramuros Bridge, matatapos sa unang kuwarter ng 2022

2021-10-09 10:07:57  CMG
Share with:

Malapit nang matapos ang proyektong Binondo-Intramuros Bridge at may posibilidad itong buksan sa unang kuwarter ng 2022.

 

Ito ang winika nitong Biyernes, Oktubre 8, 2021, ni Emil K. Sadain, Undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH) for Unified Project Management Office (UPMO) operations, sa kanyang pakikipag-usap sa Project Manager na si Jose Vitorio Arataqiuo ng Meralco, hinggil sa proyekto sa lugar ng konstruksyon sa Binondo.

 

Binondo-Intramuros Bridge, matatapos sa 2022_fororder_Binondo-Bridge

 

Ani Usec. Sadain, 81% ang natapos sa konstruksyon ng ₱3.39-Billion bridge project sa Pasig River na may aid grant mula sa pamahalaan ng Tsina.

 

Ang Tulay Binondo-Intramuros na may habang 680 metro at hugis basket-handle tied steel arch ay mag-uugnay ng Intramuros ( sa Solana Street at Riverside Drive) at Binondo (sa may San Fernando Bridge) sa pamamagitan ng viaduct structure sa Estero de Binondo.

 

Dagdag pa ni Sadain, mas bibilis ang progreso ng proyekto kapag dumating sa ikatlong linggo ng kasalukuyang buwan ang steel box girder component para sa mga ramp na ginawa sa Shanghai, Tsina.

 

Ang Tulay Binondo-Intramurus ay itinuturing na isa sa mga flagship infrastructure projects sa ilalim ng Build, Build, Build program na may Official Development Assistance (ODA). Hindi lamang mababawasan nito ang panahon ng biyahe sa pagitan ng Intramuros at Binondo sa Manila, kundi makikinabang din dito ang humigit-kumulang sa 30,000 sasakyan kada araw.

 

Matatandaang noong Hulyo 29, 2021, nagbukas ang Estrella-Pantaleon Bridge Bunga ng inagurasyon ng tulay na ito, iikli sa 10 minuto ang tagal ng pagbiyahe sa pagitan ng Makati City at Mandaluyong City.  

 

Salin: Jade

Pulido: Mac

Larawan: DPWH

Please select the login method