Premyer Tsino: Gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2021, mabunga

2022-03-05 10:13:27  CMG
Share with:

 

Premyer Tsino: Gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2021, mabunga_fororder_20220305Lidiplomatic2

Sa kanyang work report sa Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC) ng Tsina na binuksan umaga ng Sabado, Marso 5, 2022 sa Beijing, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na komprehensibong umunlad ang mga gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2021.

Inilahad ni Li na noong 2021, ang mga lider ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at bansa na gaya ni Pangulong Xi Jinping ay aktibong dumalo sa mga mahalagang aktibidad na panrehiyon at pandaigdig na gaya ng Pulong ng UN Asembleya, G20 Summit, di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC at iba pa. Sinabi pa ni Li na matagumpay na itinaguyod ng Tsina ang mga mahalagang aktibidad na diplomatiko.

 

Premyer Tsino: Gawaing diplomatiko ng Tsina noong 2021, mabunga_fororder_20220305Lidiplomatic

Aniya pa, ang nabanggit na mga aktibidad ay nagpakitang ang Tsina ay aktibong nagsulong ng pandaigdigang partnership at lumahok sa reporma sa pandaigdigang sistema ng pangangasiwa, pandaigdigang kooperasyon sa pagpuksa sa epidemiya ng COVID-19 at pagharap sa mga pandaigdigang hamon at isyu.

Binigyang-diin ni Li na nagbigay ang Tsina ng aktibong ambag para sa kaunlaran at kapayapaan ng buong daigdig.

Salin:Ernest

Pulido: Mac

Please select the login method