Sa kanyang work report sa Ika-5 Sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongreso ng Bayan (NPC) ng Tsina na binuksan umaga ng Sabado, Marso 5, 2022 sa Beijing, tinukoy ni Premyer Li Keqiang ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na palalimin ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa iba’t ibang bansa ng buong daigdig para maisakatuparan ang win-win situation.
Sinabi ni Li na ang Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) ay naging pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig. Sinabi pa ni Li na susuportahan ng Tsina ang mga bahay-kalakal na samantalahin ang mga patakaran ng RCEP para palawakin ang pamumuhunan at negosyo.
Binigyang-diin ni Li na matatag na nangangalaga ang Tsina sa sistema ng multilateral na kalakalan at aktibong lumahok sa reporma ng World Trade Organization (WTO).
Bukod dito, ipinahayag ni Li na dapat igiit ng Tsina ang mapayapang patakaran ng nagsasariling diplomasya, at buong tatag na tahakin ang landas ng mapayapang pag-unlad para pasulungin ang konstruksyon ng bagong istilo ng relasyong pandaigdig at Community of a Shared Future for Mankind. Sinabi pa ni Li na pasusulungin ng Tsina ang pagsasakatuparan ng Global Development Initiative.
Sinabi rin ni Li na nakahanda ang Tsina na magbigay, kasama ng komunidad ng daigdig, ng bago at mas malaking ambag para sa katatagan, kapayapaan, kaunlaran at kasaganaan ng buong daigdig.
Salin: Ernest
Pulido: Mac