Sa ulat tungkol sa mga gawain ng pamahalaang Tsino na ginawa ngayong araw, Marso 5, 2022, sa taunang sesyon ng Pambansang Kongresyong Bayan (NPC) ng Tsina, sinabi ni Premyer Li Keqiang, na noong nakaraang taon, sa harap ng masalimuot at mahigpit na kalagayan sa loob at labas ng bansa, mainam na isinagawa ng Tsina ang mga tungkulin ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.
Aniya, noong isang taon, 114 na trilyong yuan RMB ang GDP ng Tsina, at lumaki ito ng 8.1% kumpara sa taong 2020. Lumaki naman ng 21.4% ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng mga paninda.
Dagdag ni Li, 5.1% ang registered unemployment rate sa mga lunsod at bayan ng Tsina, lumaki ng 0.9% ang Consumer Price Index, 685 bilyong kilogram ang output ng mga pagkaing-butil, lumaki ng 8.1% ang disposable income ng mga mamamayan, bumaba ng 9.1% ang average concentration ng PM2.5, umabot sa 1 bilyong kilowatt ang installed capacity ng renewable energy, at lumampas sa 85% ang coverage rate ng full vaccination laban sa COVID-19.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos