CMG Komentaryo: Dalawang Sesyon ng Tsina; malawak, tunay, at kapaki-pakinabang na demokratikong pagtitipun-tipon

2022-03-09 11:49:17  CMG
Share with:

CMG Komentaryo: Dalawang Sesyon ng Tsina; malawak, tunay, at kapaki-pakinabang na demokratikong pagtitipun-tipon_fororder_20220309sesyon640

Ang taunang Dalawang Sesyon ng Tsina ay hindi lamang nagpapakita ng hitik-sa-buhay na demokratikong proseso, kundi isa ring mahalagang sistematikong kaayusan tungo sa pagsasakatuparan ng “whole-process people's democracy” ng bansa.

Sa pagsusuri ng Ika-5 sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sa draft amendment ng Organic Law of the Local People's Congresses and Local People's Governments, isang mahalagang laman ang inilakip, at ito ang “paggigiit ng whole-process people's democracy.”

Ang ideyang “whole-process people's democracy” na iniharap ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ay sumasaklaw sa iba’t-ibang parte ng kaayusang pambansa na gaya ng halalan, konsultasyon, paggawa ng desisyon, pamamahala, at superbisyon.

Ito ay may kompletong sistematikong proseso, na lubos na nagpapakita ng esensya at nukleo ng demokrasyang Tsino – pangangasiwa ng mga mamamayan sa bansa.

Bukod pa riyan, iginagarantiya rin ng whole-process people's democracy ang mabisang pagtatakda at superbisyon sa paggamit ng kapangyarihan.

Noong Enero 2022, ipinalabas ng Edelman Public Relations Worldwide ang “Trust Barometer,” na nagpapakitang noong 2021, umabot sa 91% ang trust rate ng mga mamamayang Tsino sa kanilang pamahalaan.

Ito ay nangunguna sa buong daigdig.

Ipinakikita nito ang tunay at napakalakas na bitalidad ng demokrasyang Tsino.

Sa pamamagitan ng gawa, napapatunayang naka-ugat ang sosyalistang demokratikong sistemang may katangiang Tsino sa kasaysayan at kultura ng bansa.

Dahil ito ay angkop sa kalagayan ng Tsina, kaya nitong malutas ang mga problema ng bansa; ito’y malawak, tunay, at kapaki-pakinabang na sistemang pulitikal.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method