Nanawagan nitong Huwebes, Marso 10, 2022 si António Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), sa komunidad ng daigdig na maging mas mapanlikha at determinado, para makita ang kalutasan sa mga sagupaan sa pamamagitan ng diyalogo at mediyasyon.
Sa Ika-8 Istanbul Conference on Mediation na idinaos sa Turkey, ipinahayag ni Guterres ang kanyang pagkabahala sa lumalalang sagupaan sa ilang lugar sa buong daigdig. Binigyang-diin niyang dapat isagawa ng komunidad ng daigdig ang katugong hakbangin.
Sinabi ni Guterres na patuloy na pahihigpitin ng UN ang kooperasyon sa mga kasaping bansa, organisasyong panrehiyon at civil society.
Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na pahigpitin ang pagkakaisa sa pulitika at suportahan ang pagsisikap para mapayapang lutasin ang mga sagupaan.
Salin: Ernest
Pulido: Mac